Miyerkules, Setyembre 3, 2014

FILIPINO: Wika ng Pagkakaisa

Filipino: susi sa Pagkakaisa ng mga Pilipino

      Taonang ginaganap dito sa Ilocos Sur National High School ang pagdiriwang nang Buwan ng Wika. Ibinabandera ngayon ng paaralan ang halaga ng Wikang Filipino bilang wikang nagbubuklod sa bansa. Wika ng Pagkakaisa ang tema ng pagdiriwang ngayong 2014.
     

  Bawat buhay,masaya't malungkot, magulo't makulay pinagkakaisa pa rin ng Wikang Filipino. Upang magkaisa tayo isang wika lamang ang magpapasya at magagamit natin sa pangaraw-araw. Normal lamang sa isang bansa ang tumaglay ng iba't-ibang dialekto sa iba't-ibang lugar lalong lalo na kung ito'y pulong-pulo ay hindi iisa ang kulturang gamit o wika. Lubhang mahirap magkaunawaan sa sitwasyong kagaya nito. Kaya naman napagdesisyonan ng mga kataas-taasan na magtalaga nang Pambansang Wika upang gamitin para mas mabisa ang pakikipagkomyunikasyon sa ibang katutubo ng bansa. Para na rin magkaunawaan ang mga kinatawan ng bawat rehiyon kung magkakaroon nang pagpupulong o sesyon  ng bawat mambabatas sa iba't ibang rehiyon. Ang unang pangulong nagsaad ng batas o alituntuning ito ay si Manuel L. Quezon kaya't siya'y tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa". Buhat noon at sa hinaharap ay ang wikang Filipino ang siyang ginagamit sa lahat ng antas ng paaralan, magmula kinder hanggang elementarya, kolehiyo at nang makatapos ng kurso, isang wika pa rin ang ginagamit.
     

   Gamitin, mahalin ang kinamulatang wika, balansehin ang paggamit ng wikang pambansa sa wikang dayuhan. Dapat mangauna sa ating puso ang sariling atin. Huwag ikahiya ang pinaghirapang makamtan ng ating mga bayani ito ang daan para sa ating pagkakaunawaan,instrumeto ito sa magandang kinabukasan. Magsama-sama magkaisa sa Wikang Filipino!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento